Saturday, January 16, 2010

Fixing Your Flooded Toyota Innova D4D

For all the victims of Ondoy specially with your flooded cars, this is the blog for you. I have 2 cars flooded, an Innova D4D e and a Honda City i-dsi 1.3s, that is giving me so many headaches up until now.
I will start with the Harder Car to fix, the Toyota Innova E d4d m/t 2007, I can explain it better in taglish.
After Ondoy, Sept. 25, 2009, ang akala ko madali lang magrepair ng kotseng nabaha kasi yung father ko naka 2 cars na dati na nalubog sa baha and he recovered naman. Nung pinaayos na namin yung Toyota Innova ko, akala ko makukuha lang sa change oil and linis, I was so wrong.
We had our Innova fixed with a traditional mechanic pero nung nalinis, redondo lang ng redondo yung engine. Ang sabi computer box na lang daw ang kulang para umandar.

Ok, sige, nagtry ako sa banawe magpaayos ng computer box or a more technical term would be Engine Control Unit or ECU. Naka 2 repair shops ako, sa tronix master sa may sto. domingo ave. and sa J6 Elec. Repair shop sa banawe pero na confirm ko talaga na hindi narerepair ang ECU ng toyota.
So I seeked a 2nd opinion kasi nafufrustate na ako sa Innova dahil 2 months ng hindi umaandar at bayad kami pa rin sa monthly amortization for it. Pinatingnan ko sa nirefer sa akin na electrician, si Marvin, and inulit nya yung electricals ng kotse. The following were the things needed to be replaced:
1. Relays
2. Injector
3. Computer Box or ECU
Nung naka bili na ako ng ECU from a reliable source with part no. 0KG40 and ikinabit na namin yung ECU, redondo pa rin ng redondo lang yung engine. Sabi ng electrician, umiinit yung Driver Injector, ibig sabihin sira daw.
So kelangan magpalit ng Driver Injector which costs around 27,000 sa banawe (brand new) pero I got a surplus pyesa for Php 17,000. Malaking tipid na rin yung Php 10,000. Nung nagpalit na ng driver injector, "chi chi chi chi VROOOOOOOMMMMM!!!!" umandar na sa wakas yung Innova! Lumabas na sa tambutso yung mga tubig baha na halos itim na kulay.
Pero sabi ni Marvin, palyado and magaspang ang andar ng makina kelangan daw i-Top Overhaul meaning ibababa yung makina. Nung binaba, eto mga findings: 1 piston tulog daw (di na gumagana yung piston ring) and 2 cylinder valve ang baluktot.

Nung naibalik na yung makina, may problem na naman, yung check engine indicator ng panel parati naka ilaw. Ganito rin nangyayari kahit exact part no. ang nakuha na ECU para sa model ng Innova. Para mawala yung check engine, kelangan i-reset and reprogram yung computer box using Smartbox Diagnostic Scanner.


I rereprogram yung ECU and kelangan din yung OR CR ng sasakyan para ma input yung Motor vehicle number sa ECU. Mga dealers lang and other autoshops lang authorized by LTO ang nakakagawa nito. Sa Casa, ang charge nila is Php 8,000 per scanning.
Pero may contact ako na Php 6,000 lang ang charge and they also do on-site servicing. Eto ang hindi kaya ng mga traditional na mekaniko. Maliban sa resetting, lumalabas din sa computer report iba pang mga FAULTS or sira ng kotse na di agad nakikita ng bare inspection.

TIP: Before daw paandarin ang engine, ipa check muna ang TIMING ng engine para hindi ka mabaluktutan ng valves and masiraan ng piston. We know a reputable auto shop that can do this with precision. Makakatipid ka ng up to Php 15,000 sa machine shop kung maiiwasan mo mabaluktutan ng valves.

I am writing this blog to help those people na victims din ng Ondoy at hanggang ngayon hindi pa rin umaandar mga sasakyan nila kasi nung nangyari ito, walang tumulong sa akin pano ang tamang gawin. Puro mga mistakes ang nagawa ko sa repairs and it costed me so much. So if you want to share your experience or seek some help, you can call me at 02-4093704 or text 0927-2530182. I will gladly help you out and make some recommendations.

Magpost pa ako ng updates sa mga cars kung ano na status from time to time.

Thanks for your time.

Allan Santos

1 comment:

  1. Nagkamali ka yata ng pinagawaan sir,mas lalo kang nagastusan

    ReplyDelete